IKAPITONG HULING WIKA NG PANGINOON

“Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu.” (Luke 23:46)

Nasaktan ka na ba? Nabigo? Kailan ka nakaranas na maging matagumpay?

Nagsimula ang aking repleksyon sa unang salita tungkol sa pagmamahal, at nais ko itong tapusin sa pagtitiwala. TIWALA. Maraming TESTS dito sa FB ang aking sinubukan, halos lahat ng tungkol sa kaugalian ng isang tao, isa lang ang common sa akin. “Mabilis MAGTIWALA, pero pag ito nasira, MAHIRAP na MAIBALIK.” “it’s nearly impossible to regain Eugene’s trust after you’ve lost it.”

Sa panahong ating kinakaharap ngayon, sa kabila ng krisis na kumitil at nagpapahirap sa maraming tao ngayon, PAGTITIWALA sa DIYOS ang dapat pinagtitibay natin ngayon. Ayon nga sa HOMILY ni Rev. Fr. Joselito Santos sa kanyang live kanina, “Ngayon ay Tagumpay ng nagtitiwala sa Diyos…Sa pagdiriwang na ito ng muling pagkabuhay ni Hesus,ipinapahayag din natin ang krisis ng COVID 19. Nagtagumpay si Hesus sa kamatayan, kaya din natin pagtagumpayan ang KAMATAYAN.”

Magtiwala tayo na sa muling PAGKABUHAY NI HESUS, hihilumin niya ang sugat ng bawat taong nagdurusa, wawakasan niya ang krisis na ating kinakaharap. Magdasal at magnilay.

Magalak sapagkat ito ang araw ng Kanyang muling pagkabuhay. Happy Easter sa ating lahat! Aleluia!!

Published by eugenecruz

Currently studying at Polytechnic University of the Philippines

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started