IKA-ANIM SA PITONG HULING WIKA NG PANGINOON

“NAGANAP NA.” (Juan 19:30)

Marami ang nalungkot nung marinig ang dalawang salita na ito habang nakapako ang Panginoon sa krus bago malagutan ng hininga. Pero ano nga ba ang nais iparating ng Panginoon ng sinabi nya ito? NAGANAP NA, sa wikang Griyego Tetelestai, ibig sabihin MISSION ACCOMPLISHED. Nais iparating ng Panginoon na NABAYARAN na NIYA ang ating kasalanan.

Naalala noong Martes Santo, habang nagpapabasa kami (with SOCIAL DISTANCING) bigla kong naisip na bumaba sa parish church at sa harap ng altar lumuhod ako. Pinatugtog ko ang SAFE ni Moira, mataimtim na nagdasal at bigla akong nagulat ng tumulo ang aking luha pagkatapos kong sabihin na “Lord, alam ko marami po akong pagkakasala, pero ang dami ko pa ring blessings na natatanggap. Marami akong hiniling pero sobra pa dito ang inyong binigay” Hindi ako napagod lumuhod sa loob ng 15 minutes habang pinapakinggan ang iba’t ibang worship songs.

Tuwing mahal na araw, naging tradisyon ko na ang maging isa sa mga cast ng SENAKULO at mag-assist sa prusisyon. Ngunit sa sitwasyon natin ngayon, hindi ito natuloy. Naisip ko paano ako makakabawi kay Lord sa mga kasalanang nagawa ko. Dahil sa DAMAYAN, mas natutuhan ko ang magpahalaga ng mga tao. Kung paano magmahal at magmalasakit. Hindi mahalaga kung nakakapagod ang aming ginagawa dahil pagkatapos ng araw, naiisip namin na marami kaming napasaya.

Sa pamamagitan na lamang din ng pagdadasal, isa itong paraan upang makapagbayad tayo ng kasalanan sa Panginoon. NAGANAP NA ang panahon upang tayo ay magnilay, magpasalamat at humingi ng tawad sa lahat ng ating nagawang pagkakasala.

Image may contain: indoor

Published by eugenecruz

Currently studying at Polytechnic University of the Philippines

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started