“Nauuhaw ako” (John 19:28)
Bakit ba nauuhaw ang isang tao? Nararanasan natin ang uhaw sa tuwing tayo ay napapagod dahil na lamang din sa init at haba ng ng oras na ating ginugol upang magawa ang isang bagay. Tulad ng Panginoon, siya ay nauhaw dahil sa pagod sa pagpasan ng krus patungo sa Gulgota kung saan siya pinako at namatay. Ang nais iparating ng ikalimang huling salita ay ang PAGDURUSA.
Maraming beses na akong nabigo. Maraming beses na rin akong nasaktan. Maraming beses na akong nakaranas sumuko pero hindi natuloy. Nabigo, nasaktan, susuko sa maraming bagay tulad sa academics, kaibigan, pamilya maging sa pagmamahal. Pero sabi nga sa isang kasabihan sa ingles, “Failure is the key to success” Sa maraming beses na nabigo ako, maraming beses din ako nagkadahilan para maging mas matatag at matagumpay sa buhay.
Sa pagkakataon ngayon, nararanasan ko ang PAGDURUSA. Pagdurusang emosyonal. Nasasaktan ako dahil may mga tao na binabase ang lahat sa KASARIAN. Ito ang kanilang panlaban upang apihin ka. Ito ang kanilang sandata upang pasukuin ka. Kasarian ang kanilang basehan upang masabi ang iyong halaga.
Taong 2018 at 2019, gumanap ako bilang KRISTO at SIMON sa aming SENAKULO, dito ko pinatunayan na wala sa kasarian ang paglilingkod. Pinakita ko na kaya ko rin dito na kaya ko, kaya naming maging isang taong karespe-respeto.
Pinangako ko sa Panginoon na maglilingkod ako ng buong puso at walang pagdadalawang isip. Dahil alam ko na sa bawat pagsubok at pagdurusa na nararanasan ko, nandyan ang Panginoon upang gabayan at patatagin ako.
Sa panahon natin ngayon na ang lahat ay nagdurusa, tayo ay maging matibay. Uminom tayo ng tubig na madami ganun na rin ang pagdadasal palagi. Ang kailangan natin ay PAGTITIWALA sa Panginoon. Sa pamamagitan ng pagdadasal, mababawasan nito ang pagkauhaw ng ating Kaluluwa, madagdagan ang ating PANANAMPALATAYA.
