IKA-APAT SA PITONG HULING WIKA NG PANGINOON

“Diyos ko, Diyos ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:45-46)

Laging tanong natin sa Panginoon kapag may masamang nangyayari sa atin. Lagi nating nasasabi sa tuwing nawawalan tayo ng pag-asa sa buhay. Lagi kong dasal sa Panginoon, salamat po sa lahat ng bagay, sa magagandang bagay na nagpapasaya sa akin at sa mga di-magagandang bagay na naturo sa akin maging mas matatag.

Taong 2015, nang mangyari ang di inaasahang sunog sa compound namin, sa di malaman na dahilan. Nagising ako na wala na ang lahat ng bagay sa ilalim ng bubong kung saan ako lumaki at nagkaisip, bahay na aking tinulugan sa halos 16 na taon. Nakita ko ang mukha ng lolo ko ganun na rin ang aking pamilya na nanghihinayang at nalulungkot sa nangyari.

Ilang buwan pagkatapos nun, namatay ang aking lolo šŸ˜¦ na syang naging dahilan ng pagkadurog ng puso ko at pagkawalan ng gana sa aking pag-aaral. Pero gaya ng aking pinangako sa kanya, mag-aaral ako ng mabuti. Lolo ko ang naging dahilan kung bat ako ganito kasipag. Siya ang aking kakampi, kaya nga siguro paborito nya ako sa lahat ng apo nya.

Galing akong school nung araw na iyun, nakita ko mga tao sa iskinita ng bahay na nasunog, nang biglang may magsabi sa akin, “Eugene, umuwi ka na agad. Dalian mo” Nagmadali akong umuwi, nakita ko mga pinsan ko na malimit lang umuwi sa amin dahil nag-aaral sa ibang lugar. Nagtaka ako, bat parang ang tamlay ng ako ay kanilang salubungin, nanghina ako lalo nang biglang sabihin sa akin ni Mommy na, “Patay na si Tatay” Di ko alam kung ako ba ay uupo, tatakbo papunta sa labas, iiyak o magwawala, ang tanging ginawa ko na lang ay pumasok sa kwarto at magdasal. Alam kong mahirap para sa akin/amin na tanggapin na wala na sya, pero alam namin na hindi siya pababayaan ng Panginoon. Araw-araw akong umiiyak, nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan nya ako ng pagkakataon na makasama lolo ko sa stage during my graduations and recognitions. Pinangako ko sa Lolo ko na magtatapos ako at tutuparin ko lahat ng pangarap nya para sa akin at pangarap ko sa sarili ko.

Kung buhay pa si Lolo, alam ko na proud sya sa kung nasan na ako ngayon. Tatay!! Mahal na mahal kita 

Image may contain: 2 people, including Eugene C. Dela Rosa, people standing and outdoor

Published by eugenecruz

Currently studying at Polytechnic University of the Philippines

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started