IKATLO SA PITONG HULING WIKA NG PANGINOON

“Babae, narito ang iyong anak! At sinabi niya sa alagad, Narito ang iyong ina!”
(John 19:26-27)

INA. Isang salita, tatlong letra pero madami ang katawagan. Ina, Nanay, Mommy, Mama, Momsie, Mamshie, Nayshi at iba pa. Maraming sakripisyo ang ginawa upang tayo lamang ay magkaroon ng magandang buhay. May mga pagkukulang pero pilit na pinupunan. May mga pagkakamali pero patuloy na humihingi ng tawad. Maraming hindi nabibigay pero laging ginagawan ng paraan. Ang tanong tayo bang anak, napaparamdam pa natin sa kanila na mahal talaga natin sila?

Lumaki ako ng may BROKEN FAMILY. Walang tatay. Grade 10 ako ng si Lolo ay namatay. Pero may isang tao na nagtiyaga at tunay na nagmahal sa akin, si Mommy. Hindi siya tunay na babae pero mas maalaga kaysa sa iba. Hindi siya ang nagluwal pero sya dahilan kung bat ako naging mabuti. Dalawangpung taon, tiniis nya ang ugali ko, nagpapakapagod sya upang ako ay makapagtapos. Kaya walang duda kung bat lagi akong nagpupursigi para makamit ang aking pangarap. Supportive sya sa lahat ng pageants, contests, church activites maging sa kaharutan ko, but with limitations. Minsan ko siyang nasasaktan sa ibat ibang paraan pero sinisigurado ko na makakabawi ako.

Hindi lang siya nag iisa. Lumaki ako ng maraming kinikilala nanay. Si mama at Lola, maging mga tita ko, Tita Matet, Tita Baleleng, Tita Tiray, Ninang Gina, na laging nandyan para suportahan ako at gabayan sa lahat ng bagay. Sa kanila ko nalalaman ang aking mga mali at tama. Si Momsie Malou, Nay Jessa, Mama Len at Maam Maita, sa pangawalang tahanan ko, paraalan. Sila ang nagpatibay ng aking loob upang lumaban at maging katulad nila, magaling na guro at mahusay na Principal. Si Mama Berna, na laging takbuhan ko sa mga bagay na hindi ko masabi sa pamilya ko. Never nila akong kinunsinte sa mga bagay na mali.

Kaya simula nung makilala ko sila, hindi na ako natakot sa mga bagay dahil sa kanila pa lang alam kong ako ay mapatutunguhan.

Image may contain: Edwina Dela Rosa and Eugene C. Dela Rosa, outdoor

Published by eugenecruz

Currently studying at Polytechnic University of the Philippines

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started