UNA SA PITONG HULING WIKA NG PANGINOON

Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila (Lucas 23:34)

Sa loob ng maraming taon, marami akong nakasalamuhang tao, marami sa kanila ang hinusgahan ako sa aking pisikal na anyo gayon na rin ang aking kalooban. Sa tuwing may nakakausap akong tao, lagi nilang sinasabi na “Diba Bakla ka?” “Magpakalalaki ka na kasi para magkajowa ka” “Puro lang naman landi alam nyan” “Sipsip yan kaya sya laging nasa top” at marami pang iba. Masakit… Nakakapanghina… Nakakawalang gana sa mundo kasi puro ganyan naririnig…

Pero ang hindi ko matatanggap ay yung husgahan ang aking pananampalayata. Isa akong LECTOR sa aming simbahan, nagpapahayag ng Salita ng Panginoon. Pero minsang may nakapagsabi sa akin “Kung bakla ka, wag ka magLECTOR, nagpapahayag ka pa naman ng salita ng Panginoon pero bakla ka. Nakamake-up ka pa lagi pag nagseserve ka” hindi ko alam kung matatawa ako o ano ba ang dapat kong maramdaman. Pinunasan ko ang aking mukha, walang baka ng blush-on, foundation, pangkilay o lip tint, dahil alam ko kung ano ang dapat na itsura ko sa harap ng Panginoon at sa harap ng mga taong nananalangin. Naiyak ako sa sakit ng aking narinig pero isa lang ang aking ginawa, NAGDASAL. Pinagdasal ko na nawa’y mabawasan ang mga taong may ganung pagtingin sa kasarian ng isang tao.

Alam ng Panginoon kung gaano kalakas ang aking pananampalayata. Hindi ko masisisi ang mga taong may ganung paniniwala, iba iba tayo ng paniniwala. Pero naniniwala ako na ang mga taong may ganung paniniwala ay Patatawarin din ng ating Ama dahil minsan nagagawa o nasasabi lamang nila ito dahil sa bugso ng kanilang damdamin

.

Published by eugenecruz

Currently studying at Polytechnic University of the Philippines

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started